Showing posts with label buhay. Show all posts
Showing posts with label buhay. Show all posts

Sep 21, 2008

"AMNESIA"


COLLEGE.

Ganito ba talaga ang college? Wala na ba tayong time? Buzy na ba ang lahat?

Kahapon, nakita ko ulit ang mga dati kong klasmeyts. Kumaway ako sabay ngiti dahil miss ko na ang makasama sila. Napapagunita ako sa mga araw nung una kong nasubukan ang mga bagay bagay, nadiskubre ang mga ibat ibang talento, natuklasan ang sarili at nakilala ang mga tao na kasabay sa pagtahak nito. Miss ko na ang hayskul.

biro mo, hindi ako pinansin. Tinanong ko kung san sila pupunta. Kakain daw. Hinintay ko naman yung matamis na "sama ka?" Ngunit wala. WALA! WALA NA SILANG PAKI.

"Ganyan talaga" wika ni peklat.. yun lang ang sinabi ng gago at hindi na nagreply sa YM.

Nasaan ang etiquette naten? na magpapaalam tayo at humingi ng pasenya dahil buzy. Hindi naman etiquette yun, PUSO yun! Nasan ang puso natin? Nakasama mo yan nung hayskul at tila mala-presidente na nangungutang ka lagi noon sa kanya, pero ngayon ino-OP mo nalang siya? nasaan ang utang na loob? Hindi pala ulit utang na loob yun, puso ulit yun!

Hindi mo dapat ibaliwala ang nangangamusta mong kaibigan. O kaibigan mo parin ba sila?

Okay lang ang maging buzy. Hindi sa obsessive compulsive ako. Yung nakita ko kase, buzy sila MAGDOTA! mag chika sa bagong klasmeyts, at putang inang kung ano pa na hindi naman importante.

Mas naiintindihan ko pa ang mga kaibigan ko na nag aaral sa ibang lugar. Talagang buzy sila. Naglalaba. Nagluluto. Nagji-jeep. Nagpapaimpress sa mga artista nilang skulmeyts. Nag aaral.

Ngunit hindi parin yun rason.

"No one is so rich that they can have everything, and No one is so poor that they cant give something" sabi ng propesor namin.

Kung mahirap ka, dapat magsimba ka paren at wag kalimutan ang diyos. Kahit wala kang pera, steward ka paren sa mundong ito. Dapat mo parin pangalagaan ang buhay at ang mga taong pumapaligid sayo.

"Gumawa ka ng isang ARK"! utos ng diyos kay Noah. Gumawa ka ng kahit isang Act ng Random Kindness.


Kung itutulad sa sitwasyon ko ngayon:
para na ring...
"No one is so buzy that they cant stop and say hi"

Hindi naman tayo mahirap, at student worker. Hindi mo naman kailangan kalimutan ang mga kaibigan mo para masali sa President's List sa College. At Hinding hindi rin naman tayo mga "strangers". Huwag kalimutan na naging parte parin tayo ng isang barkada, at minsa'y naging inspirasyon sa isa't isa.

~OSMAN~

Sep 17, 2008

DIE


Ang paboritong itirada ng kaibigan ko sa mga mga taong gusto niya asarin.

Napaisip ako, alam ba ng kaibigan ko ang pinagsasabi niya? in a sense/sa sentido na alam ba niya ang kahalagahan ng buhay? Ano nga ba ang buhay? Ito ba'y isang aksidente lamang ng cosmos na ang mundo at ang mga planeta ay nabuo dahil "WALA LANG", may sumabog tapos nabuo? o naniniwala ka ba na may isang sobrenatural na nilalang na nagpasyang gumawa ng galaxy, lagyan ng araw, mga planeta, pagkatapos ay inisip niya lagyan ng tubig at oxygen ang earth, pagkatapos e naglagay ng mga hayop na hihigop sa tubig at sisinghot sa oxygen, mga halaman para balanse ang oxygen at ang utot, at sa pinakahuli ay lumikha ng tao upang mag-alaga DAW sa mga ginawa niya.

Yun ba ang purpose naten? Ang mag alaga? Maging Serbidor ng mundo? Maging alipin ng Diyos?

Lahat tayo ay nag aaral di ba? at bakit? Para ba sa may trabaho ka o para makakuha ka ng pride dahil may diploma ka?

Tama nga naman yun. Para may Future ka. Para may pera. Ngunit nakakalimutan natin minsan ang utos satin. Nabulag tayo sa pangangailangan ng tao sa PERA.

Hindi ako relihiyoso. Hindi ako nga ako nagsisimba(ng mabuti). Ngunit nasulyapan ko ang isang dakilang sikreto ng buhay.

Sa totoo lang kahit WALANG sinabi ang DIYOS, ito paren ang layunin naten. Kahit WALANG diyos at nabuo ang kalawakan dahil wala lang, ito paren ang ating puntahin.

hindi mahalaga kung estudyante ka o tambay, mayaman o mahirap, matalino o ayos lang, kaibig-ibig o kapangit-pangit, lahat parin tayo ay tao.

At ito ang ating mundo.

Ako.. alam ko na ang purpose natin.

Kayo na mismo ang humula kung ano yun. Sino ba naman kasi ako na magsabi kung ano ang ano kung ang pinag uusapan natin ay batay sa ating indibidwal na karanasan.

Isipin niyo nalang na ang mundo ay para satin hindi para sa Diyos.

kung di niyo paren alam.

DIE.

~OSMAN~

Sep 10, 2008

DECISION MAKING

"It is our choices that show what we truly are, far more than our abilities"

~JK Rowling

Victim ka ba ng Identity Crisis? Marami ka bang pangarap? Namromroblema ka ba kung pano ka kaya liligaya sa buhay mo? Pano nga b? Wag mo ako tanungin.. Wala sa akin ang sagot.

ang alam ko lang...

Kasama mo ako sa iyong paglalakbay..

at sabay natin tuklasin.

(nakatulong toh sakin.. sana makatulong din sayo)