Showing posts with label school. Show all posts
Showing posts with label school. Show all posts

Sep 21, 2008

"AMNESIA"


COLLEGE.

Ganito ba talaga ang college? Wala na ba tayong time? Buzy na ba ang lahat?

Kahapon, nakita ko ulit ang mga dati kong klasmeyts. Kumaway ako sabay ngiti dahil miss ko na ang makasama sila. Napapagunita ako sa mga araw nung una kong nasubukan ang mga bagay bagay, nadiskubre ang mga ibat ibang talento, natuklasan ang sarili at nakilala ang mga tao na kasabay sa pagtahak nito. Miss ko na ang hayskul.

biro mo, hindi ako pinansin. Tinanong ko kung san sila pupunta. Kakain daw. Hinintay ko naman yung matamis na "sama ka?" Ngunit wala. WALA! WALA NA SILANG PAKI.

"Ganyan talaga" wika ni peklat.. yun lang ang sinabi ng gago at hindi na nagreply sa YM.

Nasaan ang etiquette naten? na magpapaalam tayo at humingi ng pasenya dahil buzy. Hindi naman etiquette yun, PUSO yun! Nasan ang puso natin? Nakasama mo yan nung hayskul at tila mala-presidente na nangungutang ka lagi noon sa kanya, pero ngayon ino-OP mo nalang siya? nasaan ang utang na loob? Hindi pala ulit utang na loob yun, puso ulit yun!

Hindi mo dapat ibaliwala ang nangangamusta mong kaibigan. O kaibigan mo parin ba sila?

Okay lang ang maging buzy. Hindi sa obsessive compulsive ako. Yung nakita ko kase, buzy sila MAGDOTA! mag chika sa bagong klasmeyts, at putang inang kung ano pa na hindi naman importante.

Mas naiintindihan ko pa ang mga kaibigan ko na nag aaral sa ibang lugar. Talagang buzy sila. Naglalaba. Nagluluto. Nagji-jeep. Nagpapaimpress sa mga artista nilang skulmeyts. Nag aaral.

Ngunit hindi parin yun rason.

"No one is so rich that they can have everything, and No one is so poor that they cant give something" sabi ng propesor namin.

Kung mahirap ka, dapat magsimba ka paren at wag kalimutan ang diyos. Kahit wala kang pera, steward ka paren sa mundong ito. Dapat mo parin pangalagaan ang buhay at ang mga taong pumapaligid sayo.

"Gumawa ka ng isang ARK"! utos ng diyos kay Noah. Gumawa ka ng kahit isang Act ng Random Kindness.


Kung itutulad sa sitwasyon ko ngayon:
para na ring...
"No one is so buzy that they cant stop and say hi"

Hindi naman tayo mahirap, at student worker. Hindi mo naman kailangan kalimutan ang mga kaibigan mo para masali sa President's List sa College. At Hinding hindi rin naman tayo mga "strangers". Huwag kalimutan na naging parte parin tayo ng isang barkada, at minsa'y naging inspirasyon sa isa't isa.

~OSMAN~

Sep 18, 2008

Sino ba naman ang hindi makakalimot nito???

ito'y isang kanta na kinompose ng klasmeyts ko nung 4th year.,..

nahanap ko sa kahong puno ng ipis habang hinahanap ko ung hard disk kung saan namin nirecord yung mga Interviews at kanta namin,...

Requirement namin sa PEHM,....


ginitara ni gLenn,..

at kinanta ng mga groupmates niya at ang Lead Vocalis ay si CYNDY BALUBAL!!

isa din tong pag-papaalala sa aming High School Drama.,..

Tune: Kisapmata

Parang kailan lang, si Ham ay kabang
At si Allan ay hindi pa mataba
Parang kailan lang, si Cacay may sungay
At meron pa si Vincent at Cherish.

Parang kahapon lang, hindi pa punk si Ralph
at si Kevin ay barumbadong nilalang
Parang kahapon lang, si Johnmark nawalan
at si Francis ay World of Nothingness.

Oh Kay bilis namang matapos ng buhay sa HAYSKUL
Daig pa ang isang Kleptomaniac
Kanina'y nariyan lang, o bat bigla nalang nawala
Pwede bang balikan ang nakaraan?

Parang kahapon lang , di pa kulot si Pam
at si Anna ay bumida sa Mulan
Parang kahapon lang, Si Archie totoy pa
Ngunit tignan mo na ngayon, siya'y Hari ng Ita

Noong nakaraan, si Fyne ay mataba
Ngunit ngayon.,... (PAUSE)
Noong nakaraan, galing sila sa Japan
at si Cyndy ay nanalo sa Slogan

O kay bilis namang maglaho ng ating samahan
Daig pa ang motor ni Glenn

Kahapo'y MATTHEW at COURAGE lang, ngunit ngayon ay RIZAL!
"Sana ay wala nang limutan!!"

Ang loveteam noon, si Michael at Regylyn
Ngunit ngayon si Francis at Cherry
Parang kailan lang, KAT , DIANA, PAU , CZA!
Ngunit ngayon meron ng BAMPIRA!!

Parang kailan lang, uso ang 'girl' at 'besh'
Ngunit ngayon, meron ng DUGUL!!
Parang kailan lang, natumba si Diane
At si Justine ay grumadweyt sa Harvard.,. Eh???????

Okay bilis namang magbago ng ating pagmumukha
Daig pa ang Darts ni Lester.
Away-away lang kanina, open forum lang katapat
Magbati na tayong lahat

Noong nakaraan, Bull's eye sabi ni Mam Temps
...Itulog nalang natin kina Mam Babes
Noong nakaraan, El Fili nariyan
Si Mam des ba ay inyong naintindihan???

Busog na naman.,.......salamat kay Aa
Ngunit gutom parin kami kina
(PAUSE)
Pasensya sa ilan, di nasali sa kanta
Ngunit salamat na lang sainyong suporta.

Okay ganda naman ng ating samahan
Parang isang pamilya.
Graduation tapos na.,...... RIZAL SAYONARA!!!!!!!!!!!!
Mamimiss natin ang isa't isa....




a Khadyo Exclusive!!!






paksyet!!!( tumaas mga balahibo ko nung tinatype ko toh!!)

REUNION tayo sa Christmass=)